Posibleng paghihigpit sa pagpasok ng mga biyahero galing Tsina, tatalakayin ng IATF

Posibleng paghihigpit sa pagpasok ng mga biyahero galing Tsina, tatalakayin ng IATF

December 29, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tatalakayin ng pandemic task force ng Pilipinas ang posibleng “entry restrictions” ng mga biyahero mula Tsina dahil sa patuloy na naitatalang COVID-19 cases sa nasabing bansa.

“At the moment I am aware COVID testing is no longer required as we have implemented before,” ayon kay Department of Transportation Undersecretary Steven Pastor sa isang panayam.

“But I think this will be thoroughly discussed through the IATF (Inter-Agency Task Force) and of course, the DOTr will abide by the regulations that will be recommended by our health experts and even the IATF,” dagdag na wika nito.

Inirekomenda naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang RT-PCR testing sa pagdating mga bisita mula China.

“If we travel to Hong Kong, you need an RT-PCR [result], although there’s no need to quarantine. But maybe, we should also adopt similar practices for passengers coming from areas where there is high COVID-19 cases,” ayon sa Kalihim.

“Because COVID is still there and we need to protect our citizens here,” aniya pa rin

Sa ulat, inanunsyo ng Estados Unidos ang mandatory COVID-19 testing para sa mga biyahero mula China matapos na biglang iabandona ng Beijing ang “tough measures” para mapigilan ang coronavirus — at surge sa virus cases — dahilan ng matinding pagkatakot at pagkabahala sa buong mundo.

Ang hakbang na ito ng Estados Unidos ay matapos na ianunsyo ng Italy, India at Malaysia ang kanilang sariling hakbang para protektahan ang kanilang mamamayan laban sa bagong COVID variants mula China.

Kamakailan din ay inanunsyo ng Japan na ang lahat ng byahero muka China ay dapat na magpakita ng negatibong COVID-19 test sa kanilang arrival o pagdating sa bansa o mag- quarantine sa loob ng 7 araw.

Ang mga ospital at crematoriums sa iba’t ibang lugar sa China ay patuloy na nalulula sa pagsabog ng COVID-19 cases, na sinasabing partikular na tinatamaan ay ang mga matatanda. Kris Jose