Posibleng pagpapalawig ng free ride, pag-aaralan ng DOTr, MRT-3

Posibleng pagpapalawig ng free ride, pag-aaralan ng DOTr, MRT-3

March 29, 2022 @ 6:11 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) at ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kung palalawigin pa ang alok na libreng sakay sat ren pagkatapos ng April 30.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MRT3 OIC-general manager Mike Capati na naging matagumpay ang unang araw ng libreng sakay kung saan nasa 281,507 na mga pasahero ang naserbisyuhan noong Lunes.

“Pag-aaralan natin iyan, ng MRT at saka DOTr management, kung puwede natin i-extend at para naman makatulong tayo sa subsidy ng mga mananakay natin,” ani Capati.

Dagdag ni Capati, inaasahan nilang aabot pa sa 300,000 hanggang 400,000 mga pasahero kada araw ang sasakay sa mga tren ng MRT sa mga susunod na araw.

Pagsapit ng 2023, gagamitin na ang MRT-3 ang four-car trains nito at aalisin na sa riles ang mga three-car trains para mas maraming pasahero ang makasakay sa tren. RNT/ JCM