Posisyon ng DOH, DILG sa face mask policy, tinitimbang ni PBBM

Posisyon ng DOH, DILG sa face mask policy, tinitimbang ni PBBM

September 5, 2022 @ 8:03 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinitimbang mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang posisyon at opinyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan pagdating sa polisiya sa pagsusuot ng face mask.

Sa isinagawang press conference bago pa ang meet and greet ng Pangulo sa Filipino community sa Fairmont Hotel sa Jakarta, Indonesia, tinanong kasi si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung magbibigay ng kanyang pahayag si Pangulong Marcos ukol sa mandatory o sapilitang paggamit ng face masks.

“Primarily, this is a matter for the DOH and it will be the DOH who will primarily advise the President on health matters. That being said, we will also have to wait because right now, although the issue is ranging, there is intervention by the SILG [Secretary of the Interior and Local Government] and he has asked Cebu to kindly defer their plan,” ayon kay Cruz-Angeles.

“I understand that there is response that they will not defer. So we will wait first for further action on the part of the Department of the Interior [and Local Government], and so all of that will be taken into consideration by the President,” dagdag na pahayag nito.

“For now, we will wait for a definitive statement. The President is, what we can say is he values the opinion of the DOH but he will likewise listen to everybody,” sinabi pa ni Cruz-Angeles.

Sa ulat, hindi na mandatory bagkus ay opsyonal na lang ang pagsusuot ng face masks sa Cebu City matapos na ipatupad ito ni Cebu City Mayor Michael Rama.

Batay sa executive order, magiging mandatory na lamang ang pagsusuot ng face masks sa mga ospital, clinic at iba pang diagnostic centers.

Samantala, sabi naman ng Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sila kinonsulta ng Cebu City Government tungkol sa utos ni Rama na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face masks.

Pero sabi naman ni Rama, siniguro nilang handa ang lungsod sakaling magkaroon man ng biglaang pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Sinabi rin ng alkalde na sinabihan nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa bagong polisiya sa lungsod. Nakatakda rin silang magpadala ng kopya ng executive order kay DILG secretary Benhur Abalos. Kris Jose