Djokovic ayaw talaga sa bakuna vs COVID-19

June 26, 2022 @12:01 PM
Views:
10
LONDON — Inulit ni Novak Djokovic ang kanyang hardline na pagtanggi na magpabakuna kontra Covid-19 matapos hindi sumabak sa Grand Slam ng season sa US Open.
Si Djokovic ay ipinatapon mula sa Melbourne noong Enero dahil sa kanyang pangsariling paninindigan kontra bakuna, dahilan para mabigo siyang makuha ang ika-10 titulo ng Australian Open.
Dahil walang inaasahang pagluwag sa US sa mga bisitang hindi nagpakuna, sinabi ng 35-anyos na si Djokovic na ang Wimbledon, na magsisimula sa Lunes, ay ang kanyang huling Slam ng 2022.
Nang tanungin kung ganap na ba niyang isinara ang kanyang isip sa pagpapabakuna, ay sinabi nitong Oo.
Si Djokovic ay naging kampeon ng US Open noong 2011, 2015 at 2018.
Mayroon siyang 20 Slam sa kanyang pangalan, dalawang mas kaunti kaysa sa matandang karibal na si Rafael Nadal.
Noong nakaraang taon, ang pagkatalo sa New York final kay Daniil Medvedev ay naging dahilan upang mabigo siya maging unang manlalaro mula noong 1969 na makasungkit ng isang calendar Grand Slam.
Ang kanyang kawalan ng kakayahan na bumiyahe sa United States — hindi na niya nakuha ang Indian Wells at Miami Masters — ay magsisilbing pangunahing udyok sa kanyang pagtutok sa ikapitong Wimbledon title.
“As of today I’m not allowed to enter the States under these circumstances. That is an extra motivation to do well here. Sana magkaroon ako ng napakagandang tournament,” ani Djokovic.
“I would love to go to States. Pero as of today, hindi na pwede. Wala na akong magagawa pa.
“Talagang nasa gobyerno ng US na gumawa ng desisyon kung papayagan nila o hindi ang mga hindi nabakunahan na pumasok sa bansa.”
Nagdaragdag din ng gasolina sa Djokovic fire ang pagkakataong manalo ng pang-apat na sunud-sunod na titulo sa Wimbledon at sumali sa isang piling grupo.
Sa Open era, tanging sina Bjorn Borg, Pete Sampras at Roger Federer ang nakagawa ng ganitong sunod-sunod na dominasyon sa All England Club.JC
PPCRV: Halalan 2022 ‘clean, credible’

June 26, 2022 @12:00 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Inihayag ng church-based poll watcher organization na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong Sabado na ang katatapos lamang na Halalan 2022 ay “clean and credible” sa gitna ng laban ng bansa sa COVID-19 pandemic at pagpalya ng ilang vote counting machines malfunctioning sa araw ng eleksyon.
Base kay Dr. William Yu, co-IT director ng PPCRV, inasahan na ang machine failures dahil nagamit na ang nga ito sa mga nakaraang halalan.
“So based on what we have seen, we can make conclusions based on observations we have, yes it was clean and credible. With respect to the technology, I mean it is the best we can expect from the technology considering they have been used for three elections already,” pahayag ni Yu sa Pandesal Forum.
“So the machine failures, for example, we have already warned people to expect them. Now, of course there are areas for improvement, for example, in terms of logistics and how the elections was run, to make them better. But in general we consider them clean and credible,” dagdag niya.
Mahigit 1,800 VCMs ang nagka-aberya noong araw ng eleksyon. Subalit ayon sa Commission on Elections, lahat ng ito ay naresolba.
Sabi pa ni Yu, inimbestigahan din nila ang mga alegasyon na isinumbong sa church-based poll watch group.
“For example, there is an accusation that elections in a particular town never occurred. So what we do [is] we check with our coordinators in that town if elections really occurred in that town. So these are things we can investigate if provided to us,” paliwanag niya.
Nang tanungin kung kontento sila sa kredibilidad ng nakaraang halalan, oo ang naging tugon ni Yu.
“Although there are some areas that require further investigation, [such as] signs of vote buying, disinformation and misinformation [is a] real topic. Its outside the voting process itself, but these are some things that we flagged because it is something that our volunteers see it as well. Having a large pool of volunteers nationwide give us visibility,” paglalahad ni Yu.
Pinuri naman ng PPCRV co-IT director ang Halalan 2022 bilang “more transparent and auditable.”
“This one (the recent election) was more transparent, much more auditable than, for example, than the 2010 elections. It may look the same because of the vote counting machine lahat… but in terms of process and procedures there is a lot of visibility now,” patuloy niya.
Inilahad din ni Yu na mayroon pa silang hindi bababa sa 257 election returns na ibeberipika, habang tapos na ang 88,096 clustered precincts na may 81.73% match hanggang nitong Hunyo 16. RNT/SA
Alvarez vs GGG trilogy magiging blockbuster

June 26, 2022 @11:59 AM
Views:
6
MANILA, Philippines – Inaasahang nang magiging blockbuster sa kasaysayan ng boxing ang trilogy nina undisputed super middleweight world champion Saul “Canelo” Alvarez at unified middleweight champion Gennadiy “GGG” Golovkin.
Magaganap ang trilogy ng dalawang mahigpit na magkaribal sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa September 17 nitong taon.
Matatandaang ang nasabing venue ay sentro ng naunang mga epic fights ng dalawa.
Nauwi sa draw ang unang noong September 2017 habang ang second fight noong September 2018 nakuha ni Alvarez ang panalo via majority decision.
Hawak ng sikat ng Mexican fighter na si Alvarez ang record na 61 wins, nasa 39 ay via knockouts at merong dalawang talo habang ang Kazakhstan boxer na si Golovkin ay may record na 42 wins, kung saan 37 dito ay via knockouts at meron pa lamang isang talo.JC
BBM, na-excite sa Maid in Malacanang movie!

June 26, 2022 @11:47 AM
Views:
9
Manila, Philippines – Noong campaign period pa lang ay nailatag na ni Direk Darryl Yap kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang idea na gagawan niya ng pelikula ang last 72 hours of Marcoses sa Malacanang through the point if view ng mga kasambahay.
“That time, Pres.-elect BBM was really focussed on campaigning but I knew that he was excited,” sabi pa ni Direk.
Actually, Marcos family is very excited with the project especially with Senator Imee Marcos a talaga namang naka-suporta sa lroject na um-attend pa sa mediacon ng nasabing movie.
Even si Sandro Marcos, son of BBM, keeps on inquiring about the premiere night na may schedule na sa July 20, which means na there will be a possibility na um-attend ang incoming First Family sa event na ‘yun.
In a couple of days ay magaisimula na ang shooting sa Malacanang Palace mismo and the cast and crew are all excited.
Kasama sa movie sina Cesar Montano (as the former president, Fedinand Marcos Sr), Ruffa Guttierez (who will play as the former First Lady Imelda Marcos), Cristine Reyes (as Sen. Imee), Ella Cruz (as Irene Marcos), and Diego Loyzaga (as BBM). Ang mga gaganap na kasambahay ay sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo. The movie will be expected to stream at Vivamax but according to Viva boss Vic del Rosario, there is a strong possibility na mapanood ang Maid in Malacanang sa big screen. JP Ignacio
Concepcion: Work-from-home arrangement ‘di para sa lahat

June 26, 2022 @11:45 AM
Views:
12