Positivity rate sa COVID bahagyang tumaas

Positivity rate sa COVID bahagyang tumaas

November 4, 2022 @ 11:59 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Guido David kung saan nitong Huwebes, Nobyembre 3 ay naitala ang 10.9% positivity rate at inaasahan ang 1,100 hanggang 1,200 bagong kaso ng sakit hanggang ngayong araw.

“[Department of Health] reported 782 new cases, 34 deaths, 1,058 recoveries. 18,392 active cases, 10.9% nationwide positivity rate. 186 cases in National Capital Region,” ani David.

Ang 10.9% positivity rate ay bahagyang mas mataas mula sa naitala nitong Oktubre 31.

Narito ang naitalang paggalaw ng positivity rate sa bansa sa mga nakalipas na araw:

October 31: 10.3%
November 1: 10.4%
November 2: 10.6%
November 3: 10.9%

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face mask hindi lamang sa outdoor areas kundi maging sa indoor areas sa pamamagitan ng Executive Order No. 7 ng pamahalaan. RNT/JGC