Positivity rate sa NCR, bumulusok pa sa 4%

Positivity rate sa NCR, bumulusok pa sa 4%

February 26, 2022 @ 2:01 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Ang National Capital Region (NCR) ay nanatiling nasa low risk classification sa COVID-19 transmission dahil mas bumaba pa ang positivity rate nito sa 4%, iniulat ng OCTA Research noong Sabado.

Ayon sa datos na ipinakita ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David, noong Biyernes, Pebrero 25, ang NCR ay mayroong reproduction number na 0.21; ang rate ng health utilization rate nito ay nasa 25%; at ang intensive care unit utilization rate nito ay nasa 27%.

Ang average na daily attack rate ay nasa “moderate” sa 2.30.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawahan ng isang kaso. Ang isang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapahiwatig na ang paghawa ng virus ay bumabagal.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes na handa ang NCR na bumaba sa Alert Level 1 sa kasalukuyang sukatan nito.

Sumang-ayon ang mga mayor sa Metro Manila na irekomenda ang pag-de-escalation ng rehiyon sa Alert Level 1 mula sa Alert Level 2 simula Marso 1, 2022.

Nasa Alert Level 2 ang NCR hanggang Pebrero 28. RNT