Post-disaster shelter response program paiigtingin ng DHSUD

Post-disaster shelter response program paiigtingin ng DHSUD

February 4, 2022 @ 10:19 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Itinutulak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang Post-Disaster Shelter Recovery Policy Framework (PDSF), na naglalayong paigtingin ang pagtulong sa mga disaster-affected Filipinos.

Bahagi ito ng “priority thrust” ng Philippine housing sector ngayong taon.

Tinukoy ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario ang mahalagang gampanin ng key shelter agencies (KSAs) para magpatupad ng mas epektibong post-disaster shelter recovery program.

Sa nakalipas na dalawang taon, tinukoy ni del Rosario ang iba’t ibang kalamidad na naging hadlang sa operasyon ng DSHUD sa buong bansa.

“While we are still reeling from the unprecedented impact of the pandemic, there is the Taal Volcano eruption and several catastrophic typhoons hitting the country like Typhoons Ulysses, Rolly, and Quinta in 2020. We were slowly recovering last year and adjusting to the new normal, but in December we were again hit by another catastrophe – Typhoon Odette which severely damaged major cities and tourist destinations in the south, and destroyed far more houses than Super Typhoon Yolanda,” ayon kay del Rosario sa kamakailan lamang na National Human Settlements and Urban Development Coordinating Committee (NHSUDCC) meeting.

Ang PDSF, kapuwa hinulma ng Public Housing and Settlement Service of DHSUD at World Bank (WB), ay kailangan na palakasin upang masiguro na may “consistent approach” sa hanay ng KSAs at iba pang government agencies kapag nagbjgay ng tulong sa calamity-hit areas at disaster-affected areas.

Layunin ng PDSF na suportahan ang overall shelter development at financing policies and strategies ng bansa.

Maaari rin aniyang mag-contribute ang PDSF “to larger social and economic development goals,” kabilang na angdisaster risk reduction sa hinaharap, pagpapanumbalik ng pangkabuhayan at poverty reduction.

“It likewise serves as a systematic approach to managing shelter recovery programs and determining activities that will improve the country’s management and readiness for future recovery programs,” ayon kay del Rosario.

Sa ilalim ng PDSF policy,” the DHSUD and the Washington-based multi-lender institutes will be rebuilding around 300,000 housing units, damaged by natural or man-made calamities, every year.”

Nauna nang tinukoy ni Del Rosario ang pangangailangan na paigtingin ang collaboration at synchronize efforts sa hanay ng mga key players at stakeholders sa loob ng housing sector, bilisan ang delivery of services sa mga disaster-hit families, partkular na iyong mga nasalanta ang bahay dahil sa hindi inaasahang kalamidad.

“As we implement our programs, let us draw lessons from our experience in the past disasters, let us not repeat past mistakes, but innovate to expedite the delivery of better quality housing services for calamity victims,” ani del Rosario.

Binigyang diin ni del Rosario ang pangangailangan na mas palawigin pa ang ” proper land use at urban planning development,” partikular na ang disaster-prone country gaya ng Pilipinas, para pagaanin ang mga nangyayaring kalamidad.

“As the lead agency in land use and urban planning and management, it is now our responsibility to guide and manage future developments to ensure resilience and sustainability through proper coordination with other government agencies, LGUs (local government units) and other stakeholders,” aniya pa rin.

Ang regional offices ng DHSUD sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang LGUs sa buong bansa ay inatasan na mag- update ng kani-kanilang Comprehensive Land Use Plans and Local Shelter Plans, alinsunod sa pagbibigay ng mas maayos at de kalidad na housing services para sa mga calamity victims. Kris Jose