Post-workout: 3 pagkaing dapat iwasan

Post-workout: 3 pagkaing dapat iwasan

October 21, 2018 @ 3:58 PM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Isa sa mga payong makukuha sa mga personal trainer at nutritionist ay ang pag-refuel matapos ang nakapapagod na workout. Nagagamit kasi ng katawan ang mga energy sa twing nagwo-workout kaya’t napakaimportante na kumpunin ito at muling ibalik sa pamamagitan ng pagkain sa loob ng isang oras.

Gayunpaman, wala ring saysay ang pagwo-workout kung kakainin mo lang ulit ang mga pagkain na nakakasama sa iyong diet.

Narito ang mga pagkain na dapat mong iwasan matapos mag-exercise, ayon kay Integrative Nutrition Health Coach Amy Wright .

Matatamis na post-workout shakes

Protein smoothie ang isa mga paboritong post-workout meals ng marami dahil sa mabilis nitong pagpapanumbalik ng enerhiya ng katawan matapos ang nakapapagod na workout o weights session. Gayunpaman, hinay-hinay lang sa mga ito dahil ayon kay Wright, hindi lahat ng protein powder at magkakapareho.

“Watch out for sugar-laden protein powders or worse, artificially sweetened shakes which may also include fillers, chemicals and bulking agents,” babala ni Wright.

Sports drinks

Hindi nirerekomenda ni Wright ang sports drinks pagkatapos ng workout. Ayon kay Wright, maliban kung ikaw ay isang professional athlete na tumatakbo sa mga marathon, ang pag-inom ng sports drinks pagtapos ng workout ay hindi para sa iyo dahil ito ay mayroong mataas na sugar content, sweetener at chemicals.

“Although they are marketed as the perfect hydration and electrolyte replenishment, drinks such as filtered water, raw coconut water or a healthy protein smoothie are superior options that don’t contain the syrupy ingredients that spike blood sugar and zap energy,” paliwanag pa ni Wright.

Hindi pagkain

Minsan, sa sobrang kagustuhang makapagbawas ng timbang o mapabilis ang resulta ng workout, may mga taong pinipiling ‘wag na lamang kumain pagtapos mag-workout. Ito ang mariing tinutulan ni Wright.

Ayon kay Wright, napakaimportante na ibalik ang enerhiya sa katawan matapos mag-workout at sa katunayan, ito rin ng pinakamainam na oras para kumain.

“Your body needs replenishment after all the hard work it has done, so it’s really important not to skip your meal after you work out,” dagdag pa niya./Remate News Team