Postponement ng barangay, SK elections, tinutulan sa Senado

Postponement ng barangay, SK elections, tinutulan sa Senado

September 3, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na tinutulan ni Senador Robin C. Padilla ang panukalang ipagpaliban ang nakatakdang eleksyon ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan dahil gusto niyang mabigyan ng tunay na kapangyarihan ang tao sa pinaka-basic na antas.

Ani Padilla, hindi lang siya kung hindi ang partido niya, ang PDP-Laban, ay nais matuloy ang halalan na nakatakda ngayong Disyembre.

“Kami talaga sa PDP-Laban, kami talaga ang gusto namin ma-empower talaga, ang yung mga nasa baba,” iginiit ni Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

“Kaya kami gusto naming ma-decentralize ang power talaga. kasi sobra po talaga ang binigay nating power,” dagdag nito.

Ayon sa schedule ng Commission on Elections, ang halalan para sa opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan ay nakatakda sa ika-5 ng Disyembre. Ernie Reyes