Potential cyclone posibleng dumaan sa Eastern Visayas, North Luzon – PAGASA

Potential cyclone posibleng dumaan sa Eastern Visayas, North Luzon – PAGASA

October 24, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kung mabubuo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Surigao del Sur, maaari nitong tumbukin ang Eastern Visayas o Northern Luzon.

Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Oktubre 24.

“Una ay lalapit o maaaring tumbukin ang Eastern Visayas. Pangalawa ay maaaring patungo sa Northern Luzon,” sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.

Sa huling ulat, namataan ang LPA na nakapasok sa intertropical convergence zone (ITCZ), sa layong 790 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Wala pang direktang epekto ang LPA sa alinmang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan ay ang ITCZ at amihan ang nananatiling aktibong weather system sa bansa. RNT/JGC