Poultry farmers nababahala sa mababang farmgate prices ng manok, itlog

Poultry farmers nababahala sa mababang farmgate prices ng manok, itlog

November 14, 2022 @ 8:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang pansamantalang itigil ng local poultry farmers ang produksyon sa gitna ng mababang farmgate prices ng manok at itlog kahit na patuloy ang pagtaas ng retail prices sa gitna ng oversupply.

Base kay United Broilers and Raisers Association (UBRA) President Elias Inciong, bumaba ang farmgate prices ng manok sa P90 kada kilo habang ang retail prices  ay umabot sa P185 kada kilo.

“Mahina ang demand, walang pambili ang tao at ‘yung production naman, nag-normalize na mula noong tag-init, napapababa niya talaga ‘yung presyo sa farmgate,” ani Inciong nitong Linggo.

“Ang problema, hindi naman napapakinabangan ng tunay na mamimili kasi noong bumaba ‘yung farmgate namin, tumaas pa ang retail, nag P185 (per kilogram) doon sa DA Bantay Presyo,” dagdag niya.

Batay sa pinakabagong datos ng Department of Agriculture’s (DA) Bantay Presyo o price monitoring, ang presyo ng manok sa Metro Manila ay may average na P185 kada kilo habang ang medium-sized eggs ay nagkakahalaga ng P7 kada piraso hanggang nitong Nobyembre 11, 2022.

Inihayag ni Inciong na kasalukuyang mayroong oversupply sa pagbabalik sa normal ng local production.

“Kahit pababain mo ‘yung taripa ay walang epekto sa retail masyado,” giit niya.

“Ano ba talaga ang direksyon natin? Kasi ang sabi ng Pangulong [Ferdinand “Bongbong”] Marcos ay bibigyan ng diin ang local production. Eh hindi pa maliwanag sa amin kung ano ang ibig sabihin noon,” patuloy ni Inciong. RNT/SA