Poultry import ban ng Pinas sa Belgium binawi na

Poultry import ban ng Pinas sa Belgium binawi na

July 3, 2022 @ 11:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-ban o pagbabawal sa importasyon ng poultry products mula Belgium.

Ito’y matapos na ideklara ng European country na bird flu free na sa kanilang lugar.

Sa memorandum order na ipinalabas noong Hunyo 30, 2022, sinabi ni DA Secretary William Dar na base sa final report ng Belgian veterinary officials na isinumite sa World Organization for Animal Health (WOAH), deklarado ng
Belgium free mula sa bird flu o highly pathogenic avian influenza (HPAI) ang nasabing bansa.

“Based on the evaluation of the Department of Agriculture, the risk of contamination from importing poultry meat, day old chicks, and semen is negligible,” ayon kay Dar.

Dahil dito, tinanggal na ng DA ang dating ipinaiiral na temporary ban sa importasyon ng domestic at wild bird at ng kanilang produkto mula sa Belgium.

“All import transaction of the above bird species shall be in accordance with existing rules and regulations of the DA,” ayon pa rin sa DA.

Magugunitang, ipinagbawal ng DA ang importasyon ng poultry products mula Belgium noong Disyembre 2021 matapos makumpirma ng European nation ang outbreak ng HPAI. Kris Jose