Poultry products galing Japan, Hungary, California hinarang ng DA sa banta ng bird flu

Poultry products galing Japan, Hungary, California hinarang ng DA sa banta ng bird flu

November 30, 2022 @ 11:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ikinasa ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pag-angkat ng poultry products mula Japan, Hungary, at California dahil sa banta ng bird flu, ayon sa ulat nitong Miyerkules.

Ipinalabas ang DA Memorandum Orders (MO) No. 69, 70, at 71 na may petsang Nobyembre 23, at nilagdaan ni Undersecretary Domingo Panganiban.

Sa Memorandum Orders, pansamantalang ipinagbabawal ang pag-angkat ng domestic at wild birds at mga produkto ng mga ito gaya ng poultry meat, day-old chicks, itlog, at semen, mula sa mga nasabing lugar.

Sinuspinde rin ng DA ang processing, evaluation ng application at issuance ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance para sa mga nasabing commodity.

Subalit, papapasukin pa rin ang shipment mula sa Japan at Hungary na in transit na bago pa naibigay ang notice ng MO sa Japanese at Hungarian authorities, sa kondisyon na ang mga produkto ay “slaughtered or produced on or before October 12, 2022,” base sa DA.

Ang shipments naman galing California na in transit bago ang official communication ng MO sa US authorities ay papapasukin din basta’t ang mga produkto ay “slaughtered or produced on or before August 4.”

Samantala, sinabi ng United Broilers Raisers Association (UBRA) na hindi maaapektuhan ang Pilipinas ng temporary ban because dahil sapat ang suplay nito ng manok hanggang Pasko. RNT/SA