Poultry products mula Capiz bawal na sa Iloilo

Poultry products mula Capiz bawal na sa Iloilo

December 7, 2022 @ 5:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpatupad ng temporary ban sa mga birds at poultry products na nagmumula sa kalapit-probinsyang Capiz ang lokal na pamahalaan ng Iloilo.

Ito ang inanunsyo ni Iloilo acting provincial administrator Dennis Ventilacion nitong Miyerkules, Disyembre 7 kung saan ang 10-day ban ay nagsimula noong Disyembre 3 hanggang Disyembre 13 bilang preventive measure sa bird flu na naitala sa Capiz.

“Ang Iloilo, iyong mga dressing plants ng neighboring provinces, nandito rin sa amin. So iyong mga poultry products, particularly iyong mga broiler chicken, dinadala dito sa amin at dito kinakatay and then malaki ring industry iyan, iyong poultry raising sa amin dito,” ani Ventilacion.

“Temporary ban lang kasi titingnan natin how it develops in the coming days kung paano ma-control ng Capiz, at saka tingnan natin kung anong mangyayari, how it develops,” dagdag nito.

Nagsagawa na rin ng konsultasyon ang lokal na pamahalaan ng Iloilo sa mga local stakeholders kung nararapat pa bang palawigin ang ban o tanggalin na pagkatapos ng naitakdang araw.

Sa kasalukuyan, ang Capiz pa lamang ang nakapagtala ng bird flu sa Western Visayas. RNT/JGC