Power rate hike petitions ng Meralco, San Miguel ekis sa ERC

Power rate hike petitions ng Meralco, San Miguel ekis sa ERC

October 4, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinabla ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang power rate hike petitions na inihain ng Manila Electric Company (Meralco) at ng San Miguel Group.

Sinabi ng ERC na ibinasura nito ang joint motions ng Meralco, South Premiere Power Corp. (SPPC), at San Miguel Energy Corp. (SMEC) noong Setyembre 29, 2022, na may tatlong boto.

Ayon sa parties, ang global increases sa presyo ng fuel at coal prices ang dahilan kung ng losses ng SPPC at SMEC sa pag-operate ng kanilang power stations, na basehan para sa panukalang rate hikes.

Nauna nang binanggit ng Meralco at San Miguel earlier ang mas mataas na presyo ng coal at natural gas materials na ginagamit sa pag-produce ng kuryente, sa kanilang petisyon.

“While it may be true that the costs of operating the power plants have increased, SPPC and SMEC can supply Meralco’s demand from other, possibly cheaper sources,” giit ng ERC.

“More importantly, the fixed price nature of these 10-year PSAs is precisely intended to act as a natural barrier protecting Meralco consumers from external threats, such as market volatilities,” patuloy nito.

Iginiit pa ng ERC na ang grounds ng parties sa mga petisyon ay hindi swak bilang “Change in Circumstances”.

Sa ilalim ng kasunduan, nadedetermina ang “Change in Circumstances” sa pagpapatupad ng ng batas na may seryoso at malaking epekto sa financial condition ng parties.

Sinabi pa ng ahensya na mayroon namang “available remedies” para sa Meralco upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa pinakamababang halaga sa publiko.

“As we protect consumer interests, our rulings cannot be oppressive to business,” pahayag ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta.

“We tried, as we ruled on these Joint Motions, to decide on the basis of the clear terms of the PSAs that the parties signed up for, and on the basis of law,” patuloy niya.

Samantala, sinabi ng Department of Energy (DOE) na nirerespeto nito ang independence ng ERC sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“The Department is highly confident that as responsible corporate citizens and business entities imbued with public interest, San Miguel Power and Meralco will be guided accordingly by the ERC Order and insure uninterrupted power supply to our people and the country, notwithstanding the denial of their joint petition,” anito.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Meralco at ang San Miguel Corp. ukol dito. RNT/SA