‘Power tripping’ paraan ng ilan para makapasok sa tourist spots — Puyat



‘Power tripping’ paraan ng ilan para makapasok sa tourist spots — Puyat

April 8, 2021 @ 4:59 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Pinapairal ng ilang manlalakbay ang “power tripping” para lamang makapasok sa tourist destinations sa bansa, batay kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Puyat na ibinahagi ng ilang local government units (LGUs) ang kanilang karanasan tuwing sinasala nila ang mga dokumentong kailangan sa paglalakbay.

 “Ang sinabi rin namin sa LGU, kung may doubt kayo sa veracity ng RT-PCR nila, ‘wag ninyo papasukin. Kasi sabi nila minsan daw e sinisigawan sila, etcetera, ‘yung typical nagpo-power trip,” punto ni Puyat.

“Sabi namin, ‘wag kayong pumayag kasi kapag nakapasok na ‘yan, mas mahirap hanapin at baka naging superspreader pa.”

Maaalalang ilan na rin ang napaulat na namemeke umano ng COVID results para lamang makapaggala o makatuloy sa komunidad na kanilang pupuntahan.

“Napaka-iresponsable talaga. Alam naman nilang positive sila. When you talk about COVID, your responsibility is not only yourself but for others na alam naman nilang positive sila, pumunta pa rin sila?” pahayag pa ni Puyat.

“COVID now is a responsibility not only for yourself but you have to think of the community and especially these tourist destinations na ngayon pa lang bumabangon, tapos kapabayaan?” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •