PPA nagbabala vs sales invoice-parcel scam

PPA nagbabala vs sales invoice-parcel scam

February 17, 2023 @ 11:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) nitong Huwebes sa publiko na maging mapagbantay laban sa unauthorized individuals na ginagamit ang pangalan ng ahensya para sa illegal money-making scheme.

Sinabi nito na mayroong mga ulat ng mga indibidwal na nagpiprisenta ng sales invoices na umano’y inisyu ng PPA para sa package mula sa ibang bansa at nanghihingi ng malaking halaga ng pera mula sa mga biktima.

Iginiit ng PPA na hindi nagsasagawa ng ganitong uri ng transaksyon ang ahensya.

“Nais ipagbigay-alam ng ahensya na hindi kailanman nakikipag-ugnayan ang PPA sa mga nagpapadala at tatanggap ng package na dumaraan sa mga pantalang nasa ilalim ng pamamahala nito,” ayon sa abiso ng PPA.

“Ugaliing maging mapanuri. Maging maingat laban sa ganitong klase ng pananamantala.” RNT/SA