PPA nagkansela ng biyahe sa ilang lugar bilang pag-iingat kay #KardingPh

PPA nagkansela ng biyahe sa ilang lugar bilang pag-iingat kay #KardingPh

September 26, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinansela ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga biyahe ng pasahero sa ilang lugar, dahil sa kondisyon ng panahon na dala ng Super Typhoon Karding.

Sa isang abiso na ginawa sa kanilang social media page, sinabi ng PPA na mananatili ang suspensiyon ng mga biyahe ng pasahero hanggang sa pag-alis ng storm signals sa mga apektadong lugar.

Ilan sa mga apektadong pantalan ay ang mga sumusunod:

  • North Harbor

  • South Harbor

  • Batangas Port

  • PMO Mindoro

  • PMO Marinduque / Quezon

  • PMO Masbate

  • PMO Bicol

  • Ozamiz (Manila-bound)

  • Port of Dumaguete

  • Port of Zamboanga Del Norte

  • Pasig ferry service

Suspendido rin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong Lunes dahil pa rin sa sama ng panahon dulot ng bagyong Karding, ayon sa anunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa social media nitong Linggo.

Samantala, nakaalerto na ang MMDA bilang paghahanda sa epekto ng bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden