PPA naglabas ng abiso vs ASF

PPA naglabas ng abiso vs ASF

December 24, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang abiso ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga biyahero kaugnay sa paglaganap ng African Swine Flu o ASF virus.

Sa abiso, pinayuhan ng PPA ang mga biyahero na iwasan ang pagdadala ng mga ham o anumang uri ng karneng baboy.

“Abiso sa mga byahero ng pantalan, iwasan na ang pagdadala ng mga ham o anumang uri ng karneng baboy papuntang Mindoro kung magmumula sa pantalan.”

Alinsunod ito sa umiiral na Executive Order No. 230 Series of 2019 ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro, kung saan ipinagbabawal na muna ang pagbebenta, pag-aangkat, at pag-iimport ng baboy o produktong gawa sa baboy para maiwasan ang paglaganap ng ASF virus.

Maliban sa Mindoro, matatandaan na nag-anunsyo rin ang probinsya ng Cebu ng ban sa mga baboy at iba pang produkto nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden