PPA tiniyak na walang port congestion sa Pinas

PPA tiniyak na walang port congestion sa Pinas

December 1, 2022 @ 3:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bagama’t inaasahan ang delay sa ilang international ports sa gitna ng kapaskuhan, tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) on Thursday sa publiko na walang congestion sa ports sa bansa.

“Inaasahan natin na magkakaroon siguro ng mga onti-onting delay. Dito ‘yan sa mga international port gaya nitong mga nakaraan sa Los Angeles and sa China port,” pahayag ni PPA spokesperson Eunice Samonte sa public briefing.

“Pero ang Philippine Ports Authority dito sa atin, tinitiyak natin na wala tayong mga port congestion,” dagdag niya.

Inihayag ni Samonte na may yard utilization rate na 84.98% ang mga port sa bansa.

“Ibig sabihin, meron pang space at walang pagbabara o backlog, congestion dito sa ating mga ports,” patuloy niya.

Sinabi niya na posibleng dumating ang boxes sa loob ng isang linggo hanggang dalawang buwan.

“Para sa domestic, meron tayong inaasahan na one week at kapag naman foreign or international nasa one to two months. So ibig sabihin, paalala natin sa ating mga kababayan na maaga sana sila magpadala,” aniya.

samantala, sinabi ni Samonte maglulunsad ang PPA ng monitoring system para sa cargo at balikbayan boxes sa Disyembre. Ito ang Container Registry and Monitoring System.

“Tinitiyak ni General Manager Jay Santiago na stable ang tariff hike natin so walang pagtataas na nakikita dito by this year at sa susunod pang taon. So as of now, no impending tariff hike,” aniya pa. RNT/SA