PPA: Walang malaking pinsala na naitala sa mga port kasunod ng M-7 quake

PPA: Walang malaking pinsala na naitala sa mga port kasunod ng M-7 quake

July 27, 2022 @ 3:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang naitalang malaking pinsala sa ilang port na kontrolado nito matapos tumama ng magnitude 7 na lindol sa Abra, na naramdaman din sa ibang parte ng Luzon.

Inihayag ng PPA na ilang port kabilang na ang malapit sa epicenter ng lindol nitong Miyerkules ng umaga ang nakapag-ulat ng normal na operasyon.

Sinabi ng ahensya na tanging hairline cracks ang namataan sa Port Operations Building ng Port of Currimao, Ilocos Norte ar Passenger Terminal Building sa Claveria, Cagayan.

Samantalam sinabi rin ng PPA na naobserbahan ang minor cracks sa wall plastering ng Port Management Office sa National Capital Region – South Harbor Office. RNT/SA