PPCRV sa publiko: Magtiwala sa Comelec at Smartmatic

PPCRV sa publiko: Magtiwala sa Comelec at Smartmatic

March 20, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang  publiko na patuloy na magtiwala sa Commission on Elections (Comelec) at sa poll technology provider Smartmatic,at inulit na ang  diumano’y paglabag ay walang kinalaman sa paparating na Eleksyon 2022.

Sinabi ni  PPCRV national trustee and director for voters education and volunteers mobilization Dr. Arwin Serrano na talagang may mga tao na gustong magdulot ng kalituhan at subukang ihinto ang halalan.

Pero  ang mahalaga aniya  ay ipagpatuloy ang paggawa ng iba pang mahahalagang gawaing may kinalaman sa halalan sa halip na malihis.

Ayon kay Serrano, dapat pa ring magtiwala sa Comelec at Smartmatic dahil mawawalan ng saysay ang ginagawang paghahanda sa halalan.

“Dapat pa rin tayong magtiwala kasi kung tayo’y patuloy na hindi na tayo magkakaroon ng tiwala dito sa Comelec at dito sa Smartmatic, ano pa ang saysay ng ating ginagawang paghahanda? Ano pa ‘yung pagbibigay natin ng kahalagahan sa ating nalalapit na halalan?”

Muli niyang iginiit na ang data breach issue ay dulot ng isang dating empleyado ng Smartmatic at sangkot lamang ang mga personal files ng ilang opisyal ng Comelec at ang kanilang personal engagement activities sa Smartmatic.

Giit ni Serrano, walang kinalaman ang isyung data breach ngunit patuloy pa rin aniyang aalamin kung ano ang final na resulta ng NBI.

Naniniwala rin Ito  na patuloy na pagkatiwalaan ang automated elections system sa darating na May 9, 2022 elections. Jocelyn Tabangcura- Domenden