PPOC: DavOr ‘insurgency-free’ na!

PPOC: DavOr ‘insurgency-free’ na!

September 21, 2022 @ 6:30 PM 2 weeks ago


DAVAO ORIENTAL- Kumpiyansa ang buong lalawigan ng Davao Oriental na hindi na makapaghahasik pa ng kaguluhan ang mga rebeldeng grupo matapos ideklara na “insurgency-free” ng mga miyembro ng Provincial Peace and Order Council nitong Lunes.

Inaprubahan ng mga miyembro ng PPOC ang resolusyon na nagdedeklara ng insurgency-free at development ready bunsod ng sunod-sunod na lansagin ang Guerrilla Front 18 ng NPA.

Ayon kay Brigadier General Oliver Maquiling ng Armed Forces of the Philippines, dalawang rebelde na lamang nanatili sa probinsya subalit hindi nakakaalarma ang mga ito dahil walang kakayahan para maghasik ng kaguluhan.

“They can no longer implement the basic function of the front because they have no political and military structures to carry out their purposes of its creation,” sabi pa ni Maquiling.

Dagdag pa niya, na halos lahat ng lugar sa Davao Oriental ay ligtas na at wala ng natitirang maipluwensiyang grupo.

Ito ay base na rin sa ginawang pagsusuri at papatunay na ginawa ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) Joint Area Clearing Evaluation Board at ng AFP-PNP Joint Area Clearing Validation Committee.

Sinabi pa ng militar, na naging matagumpay ang pinagsamang operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng grupo at pagpapatupad ng iba’t ibang programang pangkapayapaan at kaunlaran.

Samantala, sinabi naman ni Davao Oriental Governor Corazon Malanyaon na “high time” na para sa insurgency-free declaration dahil isinusulong nilang turismo.

“We have what it takes to be a premier tourist destination, and Davao Oriental is worth visiting. But we also have to consider that the tourism industry is too sensitive to peace and order,” ani pa ni Malanyaon. Mary Anne Sapico