PPP SUPORTADO ANG PAGBUO NG DEPARTMENT OF WATER

PPP SUPORTADO ANG PAGBUO NG DEPARTMENT OF WATER

March 2, 2023 @ 12:07 AM 4 weeks ago


Suportado at isinusulong ng Public Private Partnership (PPP) ang paglikha ng Department of Water Resources (DWR) na siyang magpapatupad ng mga polisiya, programa at proyekto na may kinalaman sa water sector ng bansa.

Sa kasalukuyan kasi ay watak-watak ang iba’t ibang mandato na may kinalaman sa tubig. Katulad na lamang ng National Water Resour-  ces Board (NWRB) na siyang may kapangyarihan kaugnay sa tamang paggamit ng tubig sa buong bansa pero wala naman siyang police power para magpasara ng mga lumalabag na estab-    lisimyento kaugnay sa hindi tamang paggamit ng tubig at paglalagay ng mga balon, kailangan pa niyang hilingin ang tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan nasa superbisyon nito ang Philippine National Police (PNP), at gayundin ang Department of Health (DOH) kung mga   ospital ang may paglabag.

Nakikita ng PPP na magiging magandang simula ang pagbuo ng isang Kagawaran para sa tubig dahil magiging iisa na lamang ang paggalaw ng mahigit 30    agency na may kinalaman sa usapin ng tubig, at higit itong makakabuti sa proteksyon ng malinis na tubig.

Kasalukuyang gumugulong na kapwa sa House of Representatives at sa Senado ang mga panukalang batas ukol dito, at isa ito sa mga key legislative agenda ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na kanyang inilatag sa kauna-unahan niyang State of the Nation Address (SONA) at tiyak na hahanapin ito sa susunod na SONA ngayong 2023.

Pinag-usapan na rin ito sa kauna-unahang paghaharap ng LEDAC o ng Legislative Executive Development Advisory Council, kaya malamang ay umusad na ito ng tuloy-tuloy sa Kongreso.

Medyo usapin yata sa pagbuo ng DWR ng malaking pondong kakailanganin. Pero baka naman puwedeng pagsama-samahin ang badget na inilalaan sa maraming ahensya na may kinalaman sa tubig katulad nga ng sa NWRB, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Local Water Utilities Administration (LWUA),    at iba pa, gayundin ang ka-salukuyang mga tauhan nito.

Habang wala pa ang batas, nagpapatuloy ang NWRB sa pangunguna ni executive director Dr. Sevillo David, Jr. sa pagpapatupad ng nabuong National Integrated Water Resources Management Plan.