Practical solutions sa COVID, F2F classes, ipinalalatag ni Pimentel

Practical solutions sa COVID, F2F classes, ipinalalatag ni Pimentel

October 21, 2022 @ 3:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Huwebes, Oktubre 20 na dapat magkaroon ng “praktikal na solusyon” sa pagpapatuloy ng in-person classes dahil baka makompromiso ang kinabukasan ng kabataan kundi nila matutunan ang pamumuhay kasama ng virus.

“Yes, (that’s) common sense yan. Avoid too much crowding. Pay attention to ventilation and air circulation. Hanapan ng practical solutions yan,” ayon kay Pimentel sa kanyang Viber message hinggil sa pagbabago ng face-to-face classes sa gitna ng pagsulpot ng panibagong variant ng COVID-19.

Aniya, dapat matutunan ng mamamayan na makapamuhay kasama ng COVID-19 dahil libong klase ng virus ang kasalukuyang umiikot sa paligid.

“[Regarding] new COVID variant, there are more than 3,000 viruses ‘out there.’ We cannot live to be afraid of all of them. We have to live with them, especially coronaviruses since these have been with humans, mammals and other animals since time immemorial,” ayon kay Pimentel.

“Hence, it is time to learn to live with the COVID virus. Also, if we do not allow our children to be educated today and learn, we worry for their future when they become the adults and it is their time to run our society,” giit pa niya.

Aniya, maaaring magkaroon ng pandemya o health emergencies sa mga susunod na panahon na kakaharapin ng kabataan.

“Would they then have been equipped with the needed skills and training and critical scientific thinking to be able to deal with their own societal problems and challenges? Time does not come back. Let us not waste it,” giit niya.

“Our young ones are only young once. Let youth not be wasted on the young. Let our youth experience life to the fullest. And effective age appropriate education and interaction with peers are essential parts of life,” dagdag niya. Ernie Reyes