Praktis ng Lakers kinansela; Nets naubusan ng manlalaro

Praktis ng Lakers kinansela; Nets naubusan ng manlalaro

December 15, 2021 @ 12:53 PM 10 months ago


LOS ANGELES – Kinansela ng Los Angeles Lakers ang kanilang practice session matapos magpositibo sa COVID-19 si Talen Horton-Tucker  habang pitong manlalaro naman ng Brooklyn Nets ang inilagay sa health and safety protocols ng liga.

Isang araw matapos ikansela ng NBA ang games sa unang pagkakataon ngayon season, patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa liga.

Itinigil ng Lakers ang kanilang final practice  session ilang sandali bago sila tumulak papuntang Dallas.

Imbes na mag-ensayo, isinailalim ang mga manlalaro sa dalawang COVID-19 tests bago payagang bumiyahe pa-Texas.

Inihiwalay muna sa grupo si Horton-Tucker ng sampung araw o kailangan nito ng dalawang negative test sa loob ng 24 hours para makabalik sa paglalaro.

Sa iba pang pangyayari, nabawasan ang mga manlalaro Nets at walo ang natira para sa home game nila kontra sa Toronto Raptors habang pito ang inilagay sa COVID-19 protocols.

Kasama sa naka-quarantine si star James Harden kasama sina Bruce Brown , LaMarcus Aldridge at DeAndre Bembry.

Idinagdag pa san aka-isolate sina Jevon Carter at James Johnson at maging si Paul Millsap.

“It’s unfortunate, for sure,” ani Nets coach Steve Nash. “Fortunately for us they’re predominantly asymptomatic, but there will be a period of time required for them to test negative and have our full group together.”

Nitong Lunes, kinansela ang laro ng Chicago Bulls kontra sa Detroit Pistons at sa Toronto Raptors dahi sa problem  sa coronavirus.

Ayon sa liga, 10 manlalaro ng Bulls ang nasa ilalim ng Covid-19 health and safety protocols, habang ang ilan pang staff members ay hindi rin pwedeng lumahok sa games.

Ito ang unang pagkakataon na natigil ang laro sa 2021-2022 campaign. Matatandaang 31 games ang kinansela noong 2020-2021 season.Rico Navarro