Prangkisa ng Dos sa sunod na Kongreso ipinaubaya ni Velasco

Prangkisa ng Dos sa sunod na Kongreso ipinaubaya ni Velasco

July 22, 2021 @ 11:52 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nasa kamay na ng papasok na 19th Congress ang kahihinatban ng franchise renewal ng broadcast network na ABS CBN,ayon kay  House Speaker Lord Allan Velasco.

“I believe sa next Congress na po talaga matatalakay iyan.The 18th Congress already decided on that issue and will prioritize many key measures when it resumes session on July 26″paliwanag ni Velasco.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay.ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises  ang franchise reenewal request ng tv giant sa botong 70-11.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan lamang na makapagbukas muli ang ABS CBN sa oras na makabayad ito sa kanilang tax obligations subalit itinanggi ng network na may pagakakautang ito.

Mang ang  Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission ang nagpatotoo na  network ay pawang “compliant” sa kanilang obligasyon taliwas sa naging paninira sa kumpanya. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •