Prangkisa ng traditional jeepney palalawigin ng LTFRB

Prangkisa ng traditional jeepney palalawigin ng LTFRB

February 6, 2023 @ 5:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines — Planong palawigin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalawig ng prangkisa ng mga traditional jeepney sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 6 kasabay ng deliberasyon para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa kabila nito, sinabi ni Guadiz na hindi pa naisasapinal ang mga panuntunan at regulasyon sa naturang extension, sabay sabing 60% lamang sa total targeted units ang sumailalim na sa modernization program.

“We do not want to leave anybody so what we want is to have at least 95 percent on board if we continue this PUV modernization [program],” aniya.

“However, during the meeting, we will also discuss the possibility to fully implement the modernization program [i]n areas where all jeepneys have already been modernized. But [i]n areas where there are still jeepneys to be modernized, we will still stick to the traditional jeepney,” dagdag nito.

Ani Guadiz, kabilang sa dahilan kung bakit nila naisip ang desisyon na palawigin ang prangkisa ay dahil na rin sa kakulangan sa pampublikong transportasyon ng mga mananakay.

Kasabay sa franchise extension, inanunsyo rin ng ahensya na palalawigin nito ang deadline para sa mga operator na tumugon sa tamang regulasyon sa PUVMP.

Samantala, nangako naman ang LTFRB na reresolbahin nito ang mga gusot sa pagitan ng mga jeepney operators at driver. RNT/JGC