Prayoridad sa bakuna, ibase sa edad; 50 anyos pataas, unahin – eksperto

Prayoridad sa bakuna, ibase sa edad; 50 anyos pataas, unahin – eksperto

June 2, 2021 @ 1:30 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Isinisulong ng isang eksperto ang prayoridad sa pagbabakuna base sa edad.

Sinabi ni Dr. John Wong ng IATF Sub-Technical Working Group on Data Analytics, nais nitong maisama sa katergorya sa prayoridad ang pagbabakuna sa mga mangagagawa na edad 50 pataas.

Ayon sa eksperto, ito ay dahil mas madali tukuyin ang edad ng isang tao kaysa sa kanyang comorbidity.

Tinukoy ni Dr Wong na 60 porsyento ng may hypertension ay hindi alam ang kanilang kondisyon.

Una na sinabi ni Dr. Wong na kakaunti ang mga senior citizen at may comorbidity sa mga nagpapabakuna.

Ito ay sa kabila aniya na 80 percent ng mga namatay sa COVID-19 ay mula sa dalawang katergorya ng prayoridad na itinakda ng World Health Organization.

Sa rekomendasyon ni Dr Wong ang pagbabakuna sa mga edad 50 pataas na manggagawa ay dapat itutok ngayong buwan ng Hunyo at Hulyo.

Gayundin, isama na sa natitirang bahagi ng taon ang iba pang kasama sa A4 list o essential workers base sa paggu-grupo sa kanila sa kada sampung taon habang makarating sa mas mababang edad ng mga manggagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden