PRC namahagi ng 600K litro ng tubig sa Paeng victims sa Mindanao

PRC namahagi ng 600K litro ng tubig sa Paeng victims sa Mindanao

November 20, 2022 @ 2:20 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakapamahagi na ng kabuuang  600,000 litro ng malinis at maiinom na tubig ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa Cotabato City at Maguindanao.

Ayon PRC, mahigit sa 11,000 bahay mula sa nasabing mga probinsya ang nakinabang dito.

Bukod dito, nagsagawa rin ng hygiene at sanitation lecture demonstration ang PRC Water, Sanitation, and Hygiene Team para sa 4,000 indibidwal sa mga nabanggit na lugar.

“Water sources are among the lifelines damaged after a storm; some water sources might be contaminated, and sanitation might also be compromised,” ayon sa PRC.

Sa ngayon nasa 1,024,497 litro na ng tubig ang naipamahagi ng PRC sa mga apektado ng bagyong Paeng sa komunidad sa Laguna, Zamboanga City, Cotabato City, at Maguindanao.

Nasa 38 lungsod at probinsya sa buong bansa ang nakinabang din sa emergency medical services, water search and rescue, hot meals, food items, clearing at flushing ng debris, health promotion, hygiene kits, sleeping kits, kitchen sets, cash assistance,  tubig, at iba pang humanitarian aid ng PRC. Jocelyn Tabangcura-Dimenden