PRC sa publiko: Sipagan pa ang COVID-19 testing

PRC sa publiko: Sipagan pa ang COVID-19 testing

March 5, 2021 @ 3:38 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binigyang pagpapahalaga ang pagsasailalim sa COVID testing sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) vaccination rollout.

Punto ni Philippine Red Cross Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon na kailangang ipagpatuloy ng publiko ang “extraordinary diligence” sa pagsailalim sa COVID-19.

“Dapat talaga atupagin ng gobyerno ‘yan at atupagin ng tao na sila ay ma-test. Sapagkat kung hindi sila mate-test, manghahawa sila kung sila ay may sakit. At kung sila ay mai-test, maililipat sila sa magandang lugar na magagamot sila, pipiliting pagalingin sila at marami namang gumagaling.”

Ipinunto rin ni Dr. Michael Tee ng University of the Philippines Manila na kailangan pang sipagan ng publiko ang COVID-testing dahil sa ‘8 out of 10 COVID-19 cases’ ay asymptomatic.

Sinang-ayunan din ito ni COVID-19 Testing Czar Vince Dizon lalo pa at dumarami na ang local cases ng COVID-19 variants.

Sa ngayon, naproseso na ng PRC ang higit 24,000 Saliva Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test gamit ang RT-PCR machines sa kanilang Molecular Laboratories sa buong bansa. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •