PRC umapela ng donasyon sa int’l community

PRC umapela ng donasyon sa int’l community

January 18, 2022 @ 11:46 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Muling umapela ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga donasyon mula sa international community habang patuloy na tumutugon ang humanitarian organization sa mga sinalanta ng bagyong Odette.

Bahagi ng apela ni PRC Chairman/CEO Sen.Richard Gordon ang mabigyan ng bahay sa mga vulnerable na pamilya na nawalan ng tirahan.

Binigyan diin nito na simula 2005, sa tulong ng international community, ang PRC ay nakapagbigay ng bahay sa sa mahigit 151,000 pamilya bilang bahagi ng recovery process ng mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyo.

Ayon kay Gordon, hindi lamang pagbibigay ng tulong at pagpapatayo ng bahay sa mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo ang ibinibigay ng PRC kundi pag-asa para sa mga most vulnerable.

“Noon pa tayo tumutulong upang mabigyan ng bahay ang mga apektado ng mga nagdaang bagyo. We dont just build houses. We provide hope to the most vulnerable na kahit anong mangyari, hindi ko kayo pababayaan. This cannot be a forgotten disaster. A lot of our fellow Filipinos are still struggling from the onslaught of Typhoon Odette. Red Cross will continue aiding the most vulnerable until they get back on their feet,” ani Gordon. Jocelyn Tabangcura-Domenden