Pre-departure COVID test aalisin na ng Japan!

Pre-departure COVID test aalisin na ng Japan!

August 25, 2022 @ 11:56 AM 1 month ago


JAPAN – Kakalusin ng bansang ito ang mga pre-departure COVID-19 test para sa mga bakunadong manlalakbay sa bansa.

Ibig sabihin, ang mga fully vaccinated na turista na papapasok sa Japan ay hindi na kailangan na dumaan sa COVID test bago pumasok sa bansa.

Samantala, para makaiwas pa rin sa banta ng virus, pinanatili naman ng Japan ang arawang limitasyon sa mga byahero na papasok sa bansa. ayon kay Prime Minister Fumio Kishida noong Miyerkules.

“From Sept. 7, we will no longer require people who have been vaccinated three times to present proof that they are not infected,” ani Kishida.

Ang Japan noong Hunyo ay nagbukas sa mga turista sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, ngunit kinakailangan ang apliaksyon para sa visa at makasama sa guided, package tours para malimitahan ang papasok sa bansa.

Sinabi naman ng local media na mula sa 20,000 bisita sa bansa ay maaari itong tumaas hanggang 50,000, ngunit wala pang desisyon ukol dito, paglilinaw ni Kishida. RNT