Pre-departure COVID test requirement para sa int’l arrivals ipatitigil ng SoKor

Pre-departure COVID test requirement para sa int’l arrivals ipatitigil ng SoKor

August 31, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


SEOUL- Ipatitigil ng South Korea ang pre-departure COVID-19 test rule para sa mga biyahero sa bansa simula sa Sabado, ayon sa Yonhap news agency nitong Miyerkules.

Inalis na ng South Korea ang karamihan sa pandemic-related restrictions noong Mayo, subalit pinanatili ang ilan sa pinakamahigpit na border measures sa major economies, na nagre-require sainbound travellers na magpakita ngnegative coronavirus test result na isinagawa bago ang departure.

Naglalaro sa halos 100,000 ang daily COVID infections sa bansa sa mga nakalipas na linggo, matapos umabot sa 180,000 noong kalagitnaan ng Agosto. RNT/SA