Pre-emptive evacuation ikinasa sa Albay sa bagyong Paeng

Pre-emptive evacuation ikinasa sa Albay sa bagyong Paeng

October 28, 2022 @ 4:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ang pre-emptive evacuation at suspensyon ng klase, trabaho sa probinsya ng Albay bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Paeng.

Mismong si Albay governor at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) chairman Noel Rosal ang naglabas ng kautusan sa mga local government units (LGUs) sa buong probinsya na magsagawa na kaagad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na tinukoy na delikado sa bagyo.

Sa datos ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO), nasa 50,857 indibidwal ang namemeligro sa matinding pagbaha samantala 74,889 indibidwal ang namemeligro sa landslide samantala 61,529 indibidwal ang namemeligro sa pagragasa ng lahar.

Maliban dito, mayroon din na 75,571 indibidwal ang at risk sa storm surge samantala 222,617 indibidwal ang namemeligro sa banta ng malakas na hangin.

Prayoridad ng lokal na pamahalaan na mailikas ang mga residenteng naninirahan sa coastal areas maging ang mga nakatira sa paanan ng Bulkang Mayon dahil sa peligro ng mudflow.

Dagdag dito, ipinag-utos na ni Rosal ang pagpapauwi sa lahat ng mga empleyado, publiko man o pribado simula kaninang alas-3 ng hapon samantala hanggang alas-5 lamang ng hapon ang operasyon ng mga mall, supermarket, convenient stores at iba pang pamilihan. RNT/JGC