Pre-entry exam ng Philippine Army kanselado sa MECQ

Pre-entry exam ng Philippine Army kanselado sa MECQ

August 6, 2020 @ 5:41 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pansamantalang kinansela ng Philippine Army (PA) ang lahat ng pre-entry examinations nito para sa kanilang recruitment offices matapos isailalim ang Metro Manila at kalapit pang mga probinsya na Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Sa isang pahayag, sinabi ni PA spokesperson colonel Ramon Zagala na epektibo ang suspensyon nitong Martes, Agosto 4.

Kinabibilangan ng nasabing pagsusulit ang AFP Service Aptitude Test (AFPSAT), Army Qualifying Exam (AQE), at Special Written Examination (SWE) para sa Officer Candidate Course (OCC) at Officer Preparatory Course (OPC).

Sa kabilang banda, sinabi ni Zagala na nagpapatuloy pa rin ang online registration kung saan pinapaalalahanan ang lahat ng aplikante na i-check ang mga update at panuntunan sa official Facebook page ng kani-kanilang mga lugar;

 

Luzon Army Recruitment Office

-ang mga aplikante ay kailangang magparehisto online at hintayin ang mga announcements kung saan kailangan lamang mag-inquire ng mga ito at hanapin ang mga sumusunod:

Facebook Page – https://facebook.com/AROLuzonOfficialPage/

-AFPSAT registration – https://bit.ly/aroluzon_afpsat_registration

-AQE and SWE registration – https://bit.ly/aroluzon_aqeswe_registration.

Visayas Army Recruitment Office

Ang mga aplikante ay kailangan lamang magtanong at magparehistro sa official FB pages ng kanilang probinsya kung saan ay kailangan lamang hanapin ang mga sumusunod;

-Cebu – Army Recruitment Office Region 7

-Bohol – Army Recruitment Office Bohol

-Panay Island – Army Recruitment Office Region 6

-Samar and Leyte – Army Recruitment Office Region 8

-Negros Island – Army Recruitment Office Region Negros

Mindanao Army Recruitment Office

-Kailangan lamang i-download at sagutan ng mga aplikante ang form na naka-post sa kanilang official FB page (Army Recruitment Office Mindanao) at ipasa lang ito sa arcmindanao_cdo@yahoo.com kalakip ang NSO/PSA Birth Certificate, Diploma, at Transcript of Records. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...