Pre-nup agreement ni Bea, hindi big deal kay Dom!

Pre-nup agreement ni Bea, hindi big deal kay Dom!

July 2, 2022 @ 2:28 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Huwag na raw gawing big deal ang pre-nup agreement na gustong mangyari ni Bea Alonzo should she and Dominic Roque decide to get married.

Sa latest vlog kasi ni Bea, sinabi niyang gusto niyang magkaroon ng nasabing kasunduan.

As a result, marami tuloy ang naging interpretasyon nito.

Kesyo nag-iingat lang daw si Bea na baka pera lang niya ang habil ng nobyo.

May mga nagtanggol naman kay Dominic, saying na may-kaya rin ang pamilya nito.

Meron din daw itong mga negosyong pinagkakakitaan nang malaki.

And if ever daw magkaroon sila ng pre-nup agreement ay hindi na ito isang malaking isyu.

Isinahalimbawa ng mga netizens ang kaso nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

On the other hand, mabuti na rin daw na magkaroon ng ganitong kasunduan sina Bea at Dominic

Sa panahon nga naman ngayon ay nauuso ang mga marital separations.

Hindi nga naman masasabi what future holds celebrity couples.

May mga relasyon nga namang nauwi sa wala gayong we thought they would last forever.

Talk about being realistic and practical. Ronnie Carrasco III