Pre-order ng newest album ng BLACKPINK, lampas 2M na!

Pre-order ng newest album ng BLACKPINK, lampas 2M na!

August 26, 2022 @ 12:50 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Lampas 2 million na ang natanggap na pre-order ng pinakabagong 2nd full album ng BLACKPINK na ‘Born Pink’.

Ito ang kinumpirma ng YG Entertainment kung saan nakamit ng grupo ang pinakamalaking pre-order record ng album mula sa isang Kpop girl group.

As of this writing ay mayroon na lamang halos tatlong linggo na hinihintay bago ang physical release ng ‘Born Pink’ na matagal ring inabangan ng mga BLINKs.

Available ang 2nd full album ng BLACKPINK sa iba’t ibang version at packages katulad ng boxed set, KIT version, digipack version at LP. RNT/JGC