Pre-pandemic volume ng mga sasakyan sa EDSA, nahigitan na

Pre-pandemic volume ng mga sasakyan sa EDSA, nahigitan na

October 7, 2022 @ 5:03 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Nahigitan na ng kasalukuyan dami ng mga sasakyan sa EDSA ang pre-pandemic volume nito.

Ito ay ayon sa pinakahuling datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) – Traffic Engineering Center kung saan nasa halos 410,000 mga sasakyan ang bumabagtas sa EDSA araw-araw.

Matatandaan bumaba sa 328,114 sasakyan lamang ang bumyahe noong 2020 o kasagsagan ng pandemya na pinakamababang average volume ng traffic mula pa noong 2013.

Nang magbukas ang maraming industriya at lumuwag ang restriksyon pagsapit ng 2021 ay unti-unti itong nagbalik sa pre-pandemic volume at ngayong taon ay tuluyan na itong nahigitan.

Pinakamarami sa nasabing bilang ay mga pribadong sasakyan sa 53.8% sinundan ng motorsiklo, taxi, public utility buses at iba pang pampublikong sasakyan.

Kung babalikan, ang EDSA ay mayroon lamang 300,000 daily vehicle capacity na nagdurugtong sa hilaga at timog na bahagi ng Metro Manila. RNT/JGC