Prelim investigation sa Mandaluyong hit-and-run incident umarangkada na

Prelim investigation sa Mandaluyong hit-and-run incident umarangkada na

June 17, 2022 @ 3:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng City Prosecutor’s Office ng Mandaluyong City nitong Biyernes ang preliminary investigation sa hit-and-run incident sa pagitan ng security guard at SUV driver nitong Hunyo 5.

Batay sa isang tweet, hindi dumalo ang suspek na si Jose Antonio Sanvicente, sa naturang proceedings.

Base naman sa ulat, sinabi ng abogado ni Sanvicente na si Atty. Danny Macalino, na hindi kailangang magpakita ng kanyang kliyente sa proceedings dahil hindi pa niya naisusumite ang kanyang counter-affidavit.

Inihayag naman ni Atty. Federico Biolena, abogado ng biktimang si Christian Joseph Floralde, ang pagkadismaya sa hindi pagsipot ni Sanvicente sa preliminary investigation.

“Medyo disappointed, pero may hustisya naman tayo,” pahayag ni Biolena.

Ayon kay Biolena, isinumite ni Floralde ang kanyang sworn statement sa piskalya. Samantala, inaasahan namang isusumite ni Sanvicente ang kanyang counter-affidavit sa susunod na preliminary investigation sa Hunyo 23. RNT/SA