Preliminary investigation ng DOJ sa Percy Lapid case, aarangkada ngayong Lunes

Preliminary investigation ng DOJ sa Percy Lapid case, aarangkada ngayong Lunes

October 24, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sisimulan ngayong Lunes ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong murder laban sa self-confessed gunman at tatlong kasabwat umano sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 3.

Itinakda mamayang alas-10 ng umaga ang pagdinig sa kaso na isinampa ng Philippine National Police (PNP).

Inaasahang haharap sa preliminary investigation ang self-confessed killer na si Joel Escorial.

Bukod kay Escorial, kinasuhan din ang magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan at isang nakilala lamang na “Orly” o “Orlando.”

Hanggang sa kasakuluyan ay tinutugis pa ng mga awtoridad ang magkapatid na Dimaculangan.

Una nang hiniling ni Escorial na maisailalim sa preliminary investigation sa pamamagitan ng paglagda ng waiver sa kaniyang karapatan sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code. Teresa Tavares