Preloved clothes ni PBBM, First Lady ubos sa garage sale ng Kamara

Preloved clothes ni PBBM, First Lady ubos sa garage sale ng Kamara

November 23, 2022 @ 7:47 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ikinomenda ni House Speaker Martin Romualdez ang isinagawang garage sale ng mga babaeng mambabatas sa Kamara na tinawag na “PamasCONG Handog: Garage Sale for a Cause III.”

Ang nasabing charity project ay inisyatibo ng Association of Women Legislators Foundation, Inc., sa pangunguna ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica.

Ayon kay Romualdez, ang isinagawang proyekto ay malaking tulong bilang Pamasko sa mga nangangailangan.

“You have transformed this sale to transcend the common objective of trade and elevated it to that of a lofty and noble undertaking. The concept and the launching of the project at the onset of the holiday session are both fitting and timely,” pahayag ni Romualdez.

Ilan sa maaaring mabili sa nasabing garage sale ay pre-loved apparel at accessories ng mga mambabatas na nagdonate ng kanilang mga gamit, kabilang dito sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at First Lady Liza Marcos na umaga pa lamang ay mabilis nang nabili ang kanilang item dahil ibinenta lamang sa halagang P100 hanggang P1,500.

“Let me also commend the members of the AWLFI and other participating officials for your display of generosity by letting go of your pre-loved possessions so that others may get to enjoy them at affordable prices,” dagdag pa ni Romualdez.

Kasama sa showbiz personalities na dumalo sa okasyon ay sina Ruffa Gutierrez, Cristene Reyes, at Karla Estrada ng Tingog Party-list.

Tampok din sa garage sale ay mga local artisans, craftsmen, mga alahas, health at body care products, Christmas decor, furniture at iba pang gift items. Gail Mendoza