Premyo ni Pacman vs Ugas, tinapyas; benta ng PPV, nilangaw

Premyo ni Pacman vs Ugas, tinapyas; benta ng PPV, nilangaw

August 29, 2021 @ 5:01 PM 10 months ago


MANILA, Philippines — Wala pang opisyal na anunsiyo sa eksaktong bilang at kita sa pay-per-view sa naganap na bakbakan sa pagitan nina Manny Pacquiao at Yordenis Ugas noong isang Linggo.

Ayon sa ulat, nakakuha ang laban na pinanood ng live audience na 17,438 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas ng 250,000 PPV buys.

Mas maganda umano ang bilang ng PPV buys ngayon kumpara sa laban ng Pinoy kontra kay Jessie Vargas noong 2016 kung saan nakabentga lang sila ng 215,000 buys.

Pumirma si Pacquiao ng garantisadong kita na $4 million kontra kay Vargas.

Pero sa laban kay Ugas, binawasan umano ang kita ni Pacquiao matapos umatras si Errol Spence Jr., ang WBC at IBF welterweight champion, halos dalawang linggo bago ang nakatakdang laban dahil sa eye injury.

“Nabawasan when the opponent changed. Iba ang drawing power ni Spence compared to Ugas so nabawasan ang purse,” wika ng source kaugnay sa laban kung saan nanalo si Ugas via unanimous decision.

Sa laban kontra Spence, may $5 million umano na garantisadong kita si Pacquiao, pero binawasan umano ito ng umatras ang US fighter sa laban.

Ang laban ni Pacquiao kay Ugas ay ng unang nitong laban matapos mamahinga ng 25-month at inihayag na huling laban na ng Pambansang Kamao.

Dahil walang fans ang 35-year-old Cuban sa US, na naging last minute replacement ni Spence, kaya lumagapak ang PPV sales nito.

Ayon kay abogado ni Pacman na si Tom Falgui, wala pa silang natatanggap na official na report sa PPV numbers pero kumpiyansa silang maganda ang bilang nito pero hindi umano sila nag-eexpect dahil sa pandemic. “It should come out very soon,” wika nito. Rico Navarro