Preparasyon sa Bar exam tuloy-tuloy lang – Leonen

Preparasyon sa Bar exam tuloy-tuloy lang – Leonen

July 9, 2021 @ 3:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy lang ang paghahanda para sa 2020-2021 Bar examinations sa Nobyembre.

Ayon ito kay Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen matapos ang naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ukol sa suhestyon na posibilidad na pagkalos ng licensure exams para sa legal at nursing professions.

“I would like to clarify and every law student and applicant should know this: the Bar exam is conducted by the Supreme Court of the Republic of the Philippines,” ani Leonen, na siyang 2020-2021 Bar chairperson.

Ang pahayag ay sinabi ni Leonen kasabay ng contract signing ceremony sa pagitan ng SC at Saint Louis University sa Baguio City, na isa sa testing center para sa examinations.

“[T]he Supreme Court has not suspended the Bar examination. We are full throttle in terms of preparing this.”

Nauna nang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon si Chief Justice Alexander Gesmundo sa pinalutang na panukala ni Bello at sinabing ang legal profession ay “vested with public interest,” kaya nararapat na mga indibidwal lamang ang matanggap dito. RNT