Prescription drugs pinatatanggal ng DOH sa COVID home care kits

Prescription drugs pinatatanggal ng DOH sa COVID home care kits

January 22, 2022 @ 9:51 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Pinatatanggal ng Department of Health (DOH) sa local government units (LGUs) at iba pang organisasyon ang prescription medicines sa  kanilang ipinamamahagi na COVID-19 homecare kits.

“Gusto ko hong magsabi sa ating local governments and other organizations, alam ko po intensyon natin lahat ang makatulong sa ating mga kababayan, pero kapag nagbigay tayo ng homecare kits, huwag po tayong maglalagay ng mga prescription medications,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Baka po ito ay mas magkaroon ng harm sa ating mga kababayan.”

Sinuportahan din ito ni Dr. Michael Tee ng University of the Philippines College of Medicine and OCTA Research Group fellow.

“We see that many of our health kits given by our LGU or some companies contain antibiotics. I’ve seen patients consult me because they were given antibiotics. Let me emphasize, antibiotics are needed only if there is a secondary bacterial infection,” lahad ni Tee sa Go Negosyo forum.

“Antimicrobial resistance—that is going to make treating patients who have infection really difficult.” RNT/FGDC