Presensya ng militar sa Sulu binawasan ng AFP sa paghupa ng banta sa seguridad

Presensya ng militar sa Sulu binawasan ng AFP sa paghupa ng banta sa seguridad

September 3, 2022 @ 4:45 PM 4 weeks ago


ZAMBOANGA CITY – Binawasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng mga sundalo sa Sulu matapos humupa ang mga banta ng extremist groups kagaya ng Islamic State-linked Abu Sayyaf.

Dahil sa mapayang estado ng Sulu sa kasalukuyan, sinabi ni Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, commander ng Joint Task Force Sulu ng Army, na binawasan ang mga sundalo mula sa apat sa tatlong brigades na lamang.

Binubuo ang brigade ng tatlong batalyon, na katumbas ng 300 hanggang 500 sundalo kada isa.

“The threat level in Sulu has gone down radically. We are sustaining this momentum through focused operations and so far, the communities continue to experience a better security climate,” sabi ni Patrimonio.

Hinikayat din niya na patuloy na pagsuko ng Abu Sayyaf members sa militar na kumuha ng iba’t ibang government assistance packages at bumalik sa mainstream society.

Sa kabuuan ay 983 tulisan ang sumuko mula 2017 hanggang Agosto 2022, base sa military records.

Subalit nilinaw ni Patrimonio na nag-iingat pa rin ang militar dahil pinaghahanap pa ang sina Mundi Sawadjaan at Radullan Sahiron, kapwa notoryus na tulisan.

Inihayag naman ni Department of National Defense officer-in-charge  Undersecretary Jose Faustino Jr., dating AFP chief of staff, na “the situation is getting better, not just in Sulu but in many areas under the AOR (areas of responsibility) of the Western Mindanao Command” gaya ng Zamboanga Peninsula at Central Mindanao.

“We see that there is already relative peace in these areas, especially Sulu, Tawi-Tawi, and Zamboanga Peninsula,” ani Faustino. RNT/SA