Presidential guards inatake ng COVID-19; Digong ligtas
April 7, 2021 @ 7:30 PM
2 weeks ago
Views:
526
Remate Online2021-04-08T12:02:53+08:00
MANILA, Philippines – Inatake ng Coronavirus Disease 2019 ang 126 miyembro ng Presidential Security Group kung saan 45 dito ang aktibong kaso.
Ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi matutuloy ang Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon sanang gabi ng Miyerkoles.
“The physical safety of the President remains our utmost concern,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ukol sa pagkansela sa Cabinet meeting.
Siniguro naman ni Senador Bong Go na walang PSG personnel na nagka-COVID ang direktang nakasalamuha ng Punong Ehekutibo.
Sa kabila nito, siniguro ng PSG na patuloy ang pagprotekta nila sa Pangulo.
“We protect our VIPs; guard the PSG compound, the residence and the whole Malacañang Complex 24/7, where civilian residents are also situated, thus, exposure to the virus is inevitable,” pagsisiguro ni PSG Commander BGen. Jesus P. Durante III.
Giit at tiniyak din ni Durante na wala ni isa man sa mga PSG personnel na infected ng virus ang direkta at malapitang naka-detailed kay Digong.
Lahat aniya ng mga ito ay asymptomatic at hindi nakaranas ng kahit na anumang adverse symptom.
“Hence, rest assured that the President is safe and in good health,” diing pahayag ni Durante.
Gayundin, ang PSG sa pamamagitan ng Task Force COVID-19 at ang medical staff ay patuloy na mahusay at epektibong pinamamahalaan ang situwasyon upang matiyak na ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay makukumpleto ang kanilang quarantine protocols at maayos na naproseso.
Idagdag pa na ang lahat ng health at safety protocols ay mahigit na ipinatutupad sa lahat ng PSG personnel at kanilang dependents.
“Despite the challenges posed by the virus, PSG continues to perform its mandate. As earlier mentioned, we have established protocols to contain the spread of the virus and we will continue to enforce it so that the President is kept safe and secured from all forms of threats at all times,” giit ni Durante. Kris Jose
April 18, 2021 @5:08 PM
Views:
138
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang kumakalat sa social media na may grupo ng mga retired at active military officers ang nag-withdraw ng kanilang suporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“We denounce the irresponsible propaganda being propagated in online posts alleging that a group of retired and active military officers are withdrawing their support for the President,” ayon sa kalatas ni Lorenzana.
Tinawag din ni Lorenzana ang social media posts na fake news.
Giit nito na siya at ang iba pang DND officials ay hindi kailanman magiging bahagi ng nasabing grupo.
“This is fake news! I am not, and will never be, a part of any such group — neither are the officials at the DND, many of whom are also retired military officers,” anito.
Aniya pa, ang ganitong disinformation ay “an act of reckless agitation emanating from detractors, who have a limited and myopic appreciation of the issues.”
“We call on these destabilizers to cease from propagating malicious statements especially at a time when our people should all be coming together in the face of the challenges that we are all currently facing. You are not helping our country and people at all,” dagdag na pahayag ng Kalihim.
Tinukoy ni Lorenzana ang di umano’y demand ng tinatawag na “Viber 500” at ng retired generals sa gabinete maliban kay vaccine czar Carlito Galvez, para kay Pangulong Duterte na tumutuligsa sa pagpasok ng China sa West Philippine Sea.
Samantala, itinatwa naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Cirilito Sobejana ang di umano’y existence ng Viber group na sinasabing ang mga miyembro ay pawang mga senior at junior officers na kapuwa aktibo at retirado.
“We have issued a statement dismissing that SMS as fake news. No such landings or taking off of aircraft from other countries are taking place. The AFP is on normal alert as opposed to the claim of that spurious sender,” ayon kay Sobejana.
Malinaw aniya na ang motibo ay malisyoso para lumikha ng “panic at confusion.”
“We advise the public to remain calm and dismiss them as another disinformation. The AFP is a professional organization committed to safeguard democracy and protect its democratic institutions. We will veer away, as we appeal to all quarters to spare your AFP from partisan politics. We assure our people that your soldiers, airmen, sailors, and marines are firmly behind the chain-of-command,” dagdag na pahayag ni Sobejana. Kris Jose
April 18, 2021 @5:00 PM
Views:
64
MANILA, Philippines – Kukuha ng 50 karagdagang call center agents ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa One Hospital Command (OHC) dahil sa pagdami ng tawag na natatanggap dito.
“Magha-hire po tayo ng 50 additional call center agents para sa One Hospital Command (OHC) kasi medyo overwhelmed na po sa dami ng tumatawag,” ani MMDA Assistant General Manager for Finance and Administration Romando Artes sa isang panayam sa dzBB.
Ang OHC ay isang health facility referral system kung saan ito ang tatanggap ng tawag mula sa pasyenteng may COVID-19 at humanap ng bakanteng ospital.
“Alam ko po marami pong nagrereklamo na busy po yung line. Pagpasensyahan niyo po kami in behalf of DOH and MMDA and national government. Sobra po talaga ang tumatawag,” saad ni Artes.
Batay sa ulat nakatatanggap ng halos 300 tawag kada araw ang OHC mula nitong Marso.
Hinahanap ng MMDA ang isang aplikanteng may karanasan bilang call center agent at medical background.
Kukuha rin ng doktor ang ahensya para sa phone consultation.
Maaaring magpadala ng email ang mga nais mag-apply. RNT/ELM
April 18, 2021 @4:54 PM
Views:
48
MANILA, Philippines – Upang itaguyod ang pagtatanim ng gulay sa kalunsuran sa panahon ng pandemya para magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng kita ang mga residente sa lugar nakilahok ang mga residente, kabataan, nagtatanim ng gulay, lokal na opisyal ng barangay at miyembro ng agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) sa ginanap na paglulunsad ng proyektong “Buhay sa Gulay” ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Milaor, Camarines Sur.
Ayon kay DAR Bicol Regional Director Rodrigo O. Realubit ang “Buhay sa Gulay” ay isang proyekto ng pagtatanim gulay na pinasimulan ng DAR sa Metro Manila sa pakikipagtulungan ng mga residente ng barangay upang hikayatin silang magtanim at kumain ng masustansiyang gulay.
Hinimok ni Realubit ang mga taong naninirahan sa mga lungsod, hindi lamang sa Milaor, Camarines Sur, kung hindi sa buong bansa, na makilahok sa pagtatanim at produksiyon ng pagkain.
“Sa ngalan ng DAR, taos-puso ako nagpapasalamat sa mga vegetable growers, mga residente at Barangay Council ng Dalipay sa kanilang kooperasyon at suporta sa pagpapatupad ng proyekto,” ani Realubit.
Sinabi ni DAR-Camarines Sur I agrarian reform chief Gay Labad na ang ginamit na lupain ay ang 2,000 metro kwadradong pribadong bakanteng lote na malapit sa Barangay Hall sa Maharlika national highway, na limang minutong biyahe lamang mula sa Naga City.
Nagpahayag siya ng pasasalamat sa Dalipay Barangay Council na pinamunuan ni Punong Barangay Romeo Sarte Rodriguez, sa masigasig na pamamahala nito sa proyekto sa gitna ng pandemya, at ang kanyang paghanga sa mga residente ng Barangay Dalipay, na kahit sa kasalukuyang sitwasyon, ay naging handa sa pagbibigay ng tulong.
Sinabi ni Labad na ang lote ay nahati at naitalaga sa iba’t ibang mga barangay zone, kung saan ang mga residente ng bawat zone ay nangngailangang magtanim at mangalaga ng kani-kanilang lote base sa kanilang napiling mga pananim.
Sinabi ni Milaor Punong Barangay Romeo Rodriguez, na ang proyekto ay isang katuparan ng matagal ng pinapangarap ng mga residente ng barangay na magkaroon ng isang proyekto sa pagsasaka sa kanilang komunidad.
Nagbigay ang Department of Agriculture (DA) ng 250 na iba’t ibang mga pakete ng mga binhi ng gulay, katulad ng sitaw, okra at kangkong, pati na rin ang 10 mga enhancer ng paglaki ng halaman at 50 na mga tray ng punla.
Upang suportahan ang proyekto, ang mga empleyado ng DAR sa Agrarian Reform Beneficiaries Development Sustainability Division ay tumulong sa paghahanda ng lupa, layout ng lupain, at aktuwal na pagtatanim. Nauna ng nagkaloob ang DAR ng iba’t ibang mga binhi tulad ng pechay, string beans, paminta, kamatis, okra, pipino, upo, talong, at kalabasa, pati na rin mga kagamitan sa bukid. Santi Celario
April 18, 2021 @4:48 PM
Views:
62
MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng panibagong krisis sa bansa, ang kakapusan ng isda kapag patuloy na mananatili ang Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS), ang tradisyunal na pangisdaan ng Filipinong mangingisda, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Linggo.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na may problema na ang ating bansa sa kakapusan ng karne ng baboy, tapos namiminto pang magkaroon ng fish shortage dahil sa panghihimasok ng China sa ating karagatan.
“Mahirap magmahal ang pagkain, di lang heart-broken aabutin natin, kundi pati sakit ng sikmura,” aniya.
Inireklamo ng mangingisda s a Zambales na kumukunti ang kanilang huling isda dahil may 20 Chinese vessels na naka-angkla sa mahigit 11 kilometro ang layo mul sa San Antonio, Zambales.
Ayon sa ilang mangingisda, umaabot sa P4,000 kada fishing trip ang kanilang kinikita pero ngayon, halos wala silang huli dahil maraming barkong Chinese ang nakaangkla sa lugar ng kanilang pangisdaan.
Dahil dito, hinikayat ni Pangilinan na kaagad kumilos laban sa kambal na banta sa panghihimasok sa ating teritoryo at kakapusan ng isda.
“As early as now, we should heed the warning of our fishermen on the issue of their dwindling catch. We are glad that the DFA takes this into account in their diplomatic protests,” aniya.
Sinabi pa ni Pangilinan na dapat paigtingin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang kanilang pagkilos at magbigay ng kaukulang suporta sa mga Filipino mangingisda.
“The Department of Agriculture as a whole must prepare for contingency to avoid a fish shortage,” aniya.
“Sa ganitong lagay, hindi na lang soberenya natin ang inaagaw ng China, ninanakawan din tayo ng kita at pagkain. Palaging lugi ang ating mga maliit na magsasaka at mangingisda. Sila na nga ang pinakamahirap, sila pa ang palaging agrabyado, “ ayon kay Pangilinan.
Tinaya ni Solita “Winnie Monsod, isang ekonomista na malamang kumikita ang China ng mahigit US$6 bilyon sa pangingisda sa ating karagatan.
Aniya, maaaring nakakuhuli ng isda ang mahigit 270 fishing vessel sa Subi, Mischief Reefs, Scarborough Shoal at Spratlys, tatlong metriko toneladang isda para sa China. Ernie Reyes
April 18, 2021 @4:41 PM
Views:
49
MANILA, Philippines – Kinwestiyon ni Senador Imee Marcos ang hindi pagkakatugma ng mataas pa ring presyo ng pagkain sa mga palengke sa iniulat na pagbaba sa inflation rate ng bansa.
Sinabi ni Marcos, pinuno ng Senate committee on economic affairs, na dapat tapyas na ang mga presyo ng pagkain dahil malaki ang epekto ng mga ito sa pagkalkula ng inflation rate na sinasabing bumaba na sa 4.5%.
“Totoo kaya yung sinasabi ng NEDA (National Economic Development Authority) sa inflation rate? Kasi di ramdam sa palengke at grocery!” sinabi ni Marcos.
Kinalampag ngayon ni Senadora Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa nananatiling mataas ang presyo ng pagkain kahit na rin inalis na sa ECQ o enhanced community quarantine and Metro Manila at apat na karatig probinsya na nagbubuo sa tinawag na NCR Plus bubble.
Binigyang diin ni Marcos na tila kumukuyakoy na naman ang DTI at papetiks-petiks kaya namamayagpag na naman ang mga mapagsamantalang negosyante.
“Heto na naman tayo, wala na namang nag-iikot na DTI at nanghuhuli, tila natutulog naman sa pansitan, ano ba!” diin ni Marcos.
Giit ni Marcos, mas dapat paigtingin ngayon ng DTI ang bantay-presyo dahil wala nang perang pambili ang mga tao, sabay banggit na nasa 4.2 million ang bilang ng mga walang trabaho at 6.6 million ang naghahanap ng dagdag trabaho, ayon sa rekord ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Isang linggo bago ipatupad ang ECQ noong March 29 sa NCR Plus bubble, ang presyo sa palengke kada kilo ng pork liempo ay nasa P320-P370, ang pork kasim nasa P300-P350, ang bangus nasa P130-P185, tilapia nasa P100-P150, alumahan nasa Php240-Php300, habang ang manok ay nasa P165-P200.
Nitong Biyernes, tumaas ang mga presyo hanggang Php420 sa pork liempo, Php380 sa pork kasim, Php200 sa bangus, Php340 sa alumahan, habang pareho pa rin sa tilapia, at bumaba lamang sa Php130-Php180 ang manok.
Panawagan ni Marcos, hindi dapat mapako sa pa-update-update lang ng E-presyo o online price monitoring, sa halip mas epektibo anya kung linggo-linggong gawin ang suprise inspection ng DTI sa ibat-ibang palengke, at kung may lumabag, agad na sampolan at hulihin. Ernie Reyes