Presidential library binuksan na sa NLP building

Presidential library binuksan na sa NLP building

December 2, 2022 @ 7:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binuksan na sa publiko ang ilang mga librong koleksyon mula sa Presidential Museum and Library ng Malakanyang sa National Library of the Philippines (NLP) building sa Ermita, Maynila.

Kasabay nito ay inilunsad ang naturang Presidential Library sa ikalawang palapag ng NLP building nitong Martes, Nobyembre 29.

Mismong si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang nanguna sa pagpapasinaya nito na nagpasalamat din sa NLP sa pagsisiguro ng pagkakatatag ng Presidential Library sa naturang gusali.

“When my husband (President Ferdinand R. Marcos Jr.) assumed office last June, we noticed that there were piles and piles of books on Philippine culture and heritage in Malacañan Palace. There were also hundreds of law books, some of them were first editions, priceless that many law students would have lusted after,” aniya.

“Thank you again for helping us with this Presidential Library. Your passion and dedication in promoting learning and researching for our youth and future leaders are indispensable tools in nation-building,” dagdag pa ng First Lady.

Mismong si Araneta-Marcos ang nagpasimula sa Presidential Library Project sa tulong ng NLP.

“Our libraries are here to stay. Library serves as a haven for students, researchers, members of the academe, and practically everybody, rich or poor [people] who want to know more about our history and our country,” pagbabahagi pa niya.

Sa pamamagitan ng isang kasunduan na pinirmahan ay pinapayagan na maglagay ng ilang libro na pagmamay-ari ng Presidential Museum and Library upang mabasa ng publiko.

Kasabay ng paglulunsda ng Presidential Library ay ang ika-32 taong pagdiriwang ng Library and Information Services Month. RNT/JGC