Presidential, VP preference dinomina ng Duterte-Duterte tandem

Presidential, VP preference dinomina ng Duterte-Duterte tandem

July 13, 2021 @ 6:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Lumitaw bilang top bets sa presidential at vice presidential race sa 2022 elections sina Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, base sa resulta ng Pulse Asia survey.

Lumabas sa survey, na isinagawa mula June 7 hanggang 16, 2021, 28% ng mga Filipino adults ang iboboto si Mayor Sara sa May 2022 presidential poll.

Sinundan siya nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (14%), dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (13%), at Senator Grace Poe (10%).

Habang ang ikatlong pwesto ay inokupa nina Senator Manny Pacquiao (8%), Vice President Leni Robredo (6%), at Senator Panfilo Lacson (4%).

Samantala, 8% ng mga Pilipino ang “undecided” pa sa kung sino ang kanilang gustong presidential candidate, tumangging pangalanan ang pinapaborang kandidato o walang sinusuportahang kahit sinong presidentiable.

Sa kaparehong survey, nagtatagisan bilang vice-presidential bet sina Pangulong Duterte, 18%, at Mayor Isko, 14%.

Naghahati naman sa ikalawang pwesto sina Senate President Vicente Sotto III (10%), Marcos (10%), Pacquiao (9%), Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (8%), at Sorsogon Gov. Francis Escudero (7%).

Habang “undecided” pa ang 6% ng mga sumagot sa survey, tumangging pangalanan ang pinapaborang kandidato o walang sinusuportahang kahit sinong vice presidentiable. RNT