Presinto sa Lapinig N. Samar, niratrat ng NPA; 2 pulis, sugatan

Presinto sa Lapinig N. Samar, niratrat ng NPA; 2 pulis, sugatan

August 10, 2018 @ 9:06 AM 4 years ago


 

Northern Samar – Dalawang pulis ang sugatan matapos salakayin ng mga komunistang rebelde ang istasyon ng pulis sa bayan ng Lapinig, Northern Samar, ngayong Biyernes.

Kinilala ang dalawang pulis na sina PO2 Jerry Quilecol and PO1 Edizon Aguere.

Ayon sa ulat, nasa 100 miyembro ng New People’s Army (NPA) na armado ng Uzi, M14, M16, M203 at K3 sub-machine na baril ang sumalakay sa istasyon dakong 1:15 nG madaling araw, kanina (August 10).

Tumagal ng 15-minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at ng mga rebelde.

Unang naiulat na nawawala si Insp. Noli Montebon, police chief ng bayan ng Lapinig, pati na si PO2 Mark Me ngunit kalaunan ay nahanap din.

Hindi pa nalalaman kung ano ang kinuha ng mga NPA sa istasyon ng pulis dahil patuloy pa rin ang sinsagawang inventory, habang ito ay isinusulat.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na salakayin ang nasabing istasyon ng mga NPA.

Unang beses ay noong January 12, 2012 kung saan sinalakay ng mga NPA ang istasyon para magnakaw ng mga baril. Bago pa man tumakas, nag-open fire ang mga ito sa bahay ni mayor Romualdo Menzon na pumatay sa kaniyang bodyguard at nakapagtala ng 2 sugatan na residente. Remate News Team